TULONG PARA SA MGA NASUNUGAN

Ipinaabot natin ngayong araw ang ilang food packs at hygiene kits para sa 25 pamilyang nasunugan sa Sitio Tondo, Paringao, Bauang, La Union.

Sa direktiba ni Mayor Divine Fontanilla, agad na dinala ng Bacnotan Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ang ating tulong bilang pakikipag-bayanihan sa ating mga kaprobinsyang nabiktima.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamunuan ng Municipal Government of Bauang sa pangunguna ni Mayor Martin De Guzman sa tulong mula sa bayan ng Bacnotan.

Maging si Gov. Rafy Ortega-David ay nagpahayag ng pasasalamat kay Mayor Divine sa maagap na pagbibigay-kalinga bilang tugon na rin sa kanyang programang PROBISYAnihan.

Ayon kay Mayor Divine, likas sa mga Bacnotanean ang pakikipag kapitbahay/kapitbayan lalo na sa mga panahon ng sakuna.

Sa tala ng Bauang MDRRMO, 78 na katao ang apektado sa sunog na nangyari kagabi.