Congratulations, Mr Rolando Rabang ng Quirino

ISANG PAGBATI SA NATATANGING MANGINGISDA!

CONGRATULATIONS kay Mr Rolando Rabang ng Quirino, Bacnotan, La Union sa kanyang pagkapanalo bilang Grand Winner ng Kapitan Kress Bayaning Mangingisda at Bayaning Magsasaka ng JGO Ventures Corporation at ng Kress Philippines.

Ang karangalang hatid mo, kailian, ay nagpapakita ng iyong dedikasyong makipagtulungan sa programa ng pamahalaan upang makapagtaguyod ng sapat na pagkain para sa lahat.

Sa pangunguna ni Mayor Francis Fontanilla, Vice Mayor Divine Fontanilla at lahat ng bumubuo ng Local Government Unit ng Bacnotan, sumasaludo kami sa iyo at sa lahat ng ating mga bayaning mangingisda at magsasaka na katuwang natin sa pagtatrabaho tungo sa masaganang pamayanan.

Pagbati rin sa lahat ng nanalo sa national maging sa regional levels ng naturang patimpalak. Mabuhay po kayo!